-- Advertisements --

Patuloy na bumababa ang naitatalang bagong kaso ng Covid-19 sa Metro Manila ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, nananatili sa ilalim ng moderate risk case classification ang rehiyon.

Naobserbahan din na ang bilang ng bagong covid-19 cases sa buong bansa ay nasa downward trend, Nakatulong aniya dito ang disiplina ng mga tao sa pagsunod ng minimum public health standards at pagpapabakuna kontra sa virus.

Subalit nakikita naman na makakapagtala ng 6,000 hnaggang 9,000 covid-19 cases kada araw sa susunod na buwan kung hindi maipagpapatuloy ang pagsunod sa health protocols at ang antas ng pagbabakuna.

Subalit umaasa naman si Vergeire na ito ay hindi na umabot pa sa naturang bilang at magpatuloy na bumaba na ang mga dinadapuan ng sakit.