-- Advertisements --
Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot sa 53 ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino sa ibayong dagat.
Sa datos na inilabas ng DFA, umakyat pa sa 14,016 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na dinapuan ng deadly virus.
Mayroon namang 35 bagong recoveries, dahilan para lumobo pa sa 8,954 ang mga gumagaling mula sa COVID-19.
Wala namang naiulat na pagbabago sa bilang ng mga namatay dahil sa coronavirus.
Nananatili rin ang Middle East at Africa sa rehiyon kung saan pinakamaraming Pinoy ang nagpositibo sa COVID-19.