Umabot sa mahigit 2,000 ang bilang ng mga nadagdag sa listahan ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Batay sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), 2,673 additional cases ang inireport ng mga laboratoryong nag-submit ng report kahapon.
Mayroon kasing 14 laboratoryo na bigo raw makapagpasa ng ulat sa COVID-19 Data Repository System. Ang total ngayon ng confirmed cases sa bansa ay nasa 354,338.
Pinakamaraming additional cases ang galing sa National Capital Region, Calabarzon at Region 3. Ayon sa ahensya, 86% ng mga bagong kaso ang nagpositibo sa nakalipas na 14 na araw.
Ang active cases naman ay nasa 52,423. Habang 539 ang nadagdag sa total recoveries na nasa 295,312 na. Samantalang 73 ang additional sa total deaths na 6,603.
Nagtanggal ang ahensya ng 85 duplicates sa total case count. Kabilang dito ang 78 na mula sa hanay ng recoveries at isang death case.
May 14 ring recovered cases na pinalitan ng tagging dahil natukoy na sila ay patay na sa evaluation.