-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Russia na mayroong isang daang porsyenteng epektibo ang ikalawang bakuna nila laban sa COVID-19.

Ang EpiVacCorona mula sa kumpanyang Vector Institute ng Siberia ay ginawa ng Russia noon pang nakaraang taon.

Sinimulan nila ang mass trials ng nasabing bakuna noong Nobyembre.

Magugunitang unang ginawa ng Russia ang COVID-19 vaccine na tinawag nilang Sputnik V na mayroong 92% effectivity.