-- Advertisements --
Deltacron COVID

Umangat sa 2,702 ang panibagong mga COVID-19 cases ang naitala sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH) nasa 38 rin ang panibagong nadagdag sa listahan na mga nasawi kaya ang total deaths sa bansa ay nasa 62,695.

Sa mga bagong nahawa sa virus nasa 1,315 ang nagmula sa Metro Manila.

Naitala rin na ang positivity rate mula Sept. 18 hanggang 21 ay nasa 14.9 percent.

Sa nasabi ring period lumalabas na ang average infections ay nasa 2,101 kada isang araw na maituturing naman na 4 percent lower kumpara sa nakalipas na linggo.

Nilinaw naman ng DOH na nasa 637 na mga pasyente mula sa kabuuang 2,638 intensive care unit beds for COVID-19 patients ang okupado.