-- Advertisements --

Bahagyang mataas ang nadagdag na bagong COVID-19 cases sa Pilipinas kumpara sa nakalipas na araw nang maitala ng Department of Health (DOH) ang 1,534 na karagdagang mga pasyente.

Gayunman nasa ika-limang araw na ngayon na mababa pa sa 2,000 ang naitatala ng DOH sa daily tally ng mga bagong dinadapuan ng coronavirus.

Ang total COVID cases sa bansa mula noong taong 2020 ay nasa 3,655,709 na.

Meron namang bagong mga gumaling na nasa 2,729.

Ang nakarekober sa bansa sa virus ay nasa 3,544,283 na.

Nasa 201 naman ang nadagdag sa listahan ng mga pumanaw.

Ang death toll sa bansa ay meron ng kabuuang 55,977.

Samantala nabawasan din naman ang mga aktibong kaso na nasa 55,449.

Ito na ang pinakamababang active cases mula noong January 5, 2022.

Mayroon din namang dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga dinadapuan ng virus, paulit-ulit din naman ang paalala ng DOH na ‘wag magkampante ang publiko.

“Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest,” ani DOH advisory.