-- Advertisements --

Panibagong strain ng coronavirus ang na-detect sa mahigit 30 mga bansa sa nakalipas na apat na linggo ayon sa Health Ministry ng Malaysia.

Ito ang tinatawag na Lambda strain na nagmula sa Peru, ang bansa na itinuturing na may pinakamataas na mortality rate sa buong mundo.

Ayon pa sa ulat ng Health Ministry na sa ngayon nasa anim na kaso ng Lambda strain ang nadetect na sa United Kingdom.

Nangangamba naman ang mga researchers na maaaring mas nakakahawa ang bagong covid19 strain kumpara sa Delta variant. (with reports from Bombo Everly Rico)