-- Advertisements --
Kinumpirma ng China na nakapasok na rin sa kanilang bansa ang bagong coronavirus variant na unang natuklasan sa United Kingdom.
Ayon sa Chinese Center for Disease Control, na-detect ang bagong variant sa isang 23-anyos na babae sa Shanghai na nanggalin sa Britain noong Disyembre 14.
Dinala sa ospital ang naturang pasyente matapos makitaan ng mild symptoms ng virus.
Noong Disyembre 24 nang magsagawa ang health experts ng genetic sequencing sa test samples ng nasabing pasyente dahil sa travel history nito sa UK at umano’y abnormalidad sa nucleic acid test results.
Nagsagawa na rin aniya ng contact tracing ang mga otoridad.
Una nang sinuspinde ng China ang direct flights papunta at manggagaling sa Britanya dahil sa bagong strain. (AFP)