Malaki umano ang benepisyo sa ekonomiya ng Pilipinas ang 14 na bilateral agreements sa China.
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, asahan na daw ang long term benefits ng naturang mga kasunduan sa Philippine Development Plan (PDP) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kabilang sa mga napirmahang mga kasunduan sa state visit ni Pangulong Marcos sa China ay may kaugnayan sa agriculture, energy, infrastructure development, people-to-people exchanges, tourism at marami pang iba.
Sinabi ni Balisacan na siya ring National Economic and Development Authority (NEDA) chief, ang strategic areas na kinabibilangan ng bagong Philippine Development Plan para sa medium term ay pareho lamang sa mga areas na sakop ng iba’t ibang kasunduan.
Ang naturang mga kasunduan daw ay hindi lang magkakaroon ng mga epekto sa short-term like inflation pero ito ay sa kasunduan ng ay mararamdaman sa medium-to long-term.
Welcome din umano kay Balisacan ang interest ng Chinese business community sa paglagak ng kanilang mga investment sa Pilipinas.
Ito ay kasunod na rin ng roundtable meeting ng Pangulong Marcos sa mga Chinese chief executive officers (CEOs) mula sa iba’t ibang mga industriya.