-- Advertisements --

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakatakda nitong i-anunsiyo ang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) kapalit ni Vice President Sara Duterte na nagbitiw sa pwesto.

Sa isang panayam ngayong umaga kay Pangulong Marcos, sinabi na nito na kailangan na mayruon kaagad na kapalit si VP Sara dahil mahalaga ang papel ng Department of Education.

Sinabi ng Pangulo na hindi dapat maiwan ng bakante ang nasabing ahensiya dahil mahalaga ang trabaho nito.

Inihayag ng Presidente na humingi siya ng maraming pangalan para kaniyang mapagpilian.

Punto ng Presidente kung bakit niya minadali na may bagong kalihim ng DEpEd ay upang mabatid ang mga dapat kailangan ng ahensiya.

Nang tanungin naman si Pangulong Marcos kung ano ang naging dahilan sa pagbibitiw ni VP Sara sa kaniyang gabinete, sagot ng Presidente na ayaw magbigay ng dahilan ni VP Sara at pag-usapan ito.

Aniya, nirerespeto nito ang desisyon ng pangalawang pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na sa kabila ng pagbibitiw ni VP Sara, magpapatuloy ang gobyerno sa mga mandato nito lalo na sa binakanteng pwesto ng pangalawaang pangulo.