CAGAYAN DE ORO CITY – Binalaan ngayon ni incoming PDEA Director General Wilkins Villanueva ang nasa likod ng illegal drugs syndicates na tuluyan nang tumigil sa kanilang mga gawain na naglagay pahamak sa mga buhay ng taon sa bansa.
Ito ay matapos tiniyak ni Villanueva na hindi nito aatrasan ang mga sindikato sa oras na makapag-simula na siya ng kanyang hands-on na trabaho alinsunod sa anti-drugs war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Villanueva na talagang magkikita sila ng bigtime drug syndicates kapag hindi nila ihihinto ang pagpapalaganap ng illegal drugs sa bansa.
Dagdag ng opisyal na nasa bintahe ang tropa ng gobyerno sa labanan na ito dahil mismo si Duterte ang mayroong gusto na matigil na ang malawakang bintahan at paggamit ng ilegal na droga na sumira lamang sa mga inosente na mga buhay ng sambayang Filipino.
Si Villanueva ay nakapanumpa na bilang bagong upo na director general ng PDEA mismo sa harapan ni Regional Trial Court Branch 25 Presiding Judge Arthur Abudiente na kilala rin na walang takot maglabas ng conviction promulgation sa illega drugs cases dito sa Northern Mindanao.