-- Advertisements --

Plano ni Department of Trade and Industry (DTI) Acting Secretary Cristina Aldeguer – Roque na maglatag ng mas maraming programa upang mapalakas ang mga small and medium size enterprises (SMSE) sa buong bansa.

Ito ay isang paraan aniya upang makatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Acting Secretary Cristina Aldeguer-Roque, kahit maliit na porsyento lamang ng mga small and medium enterprises ang magagawang mapalago ay tiyak nang makakalikha ng maraming trabaho at makakapag-ambag sa ekonomiya ng bansa.

Ang sampung porsyento aniya ay tiyak nang magdudulot ng malaking impact sa ekonomiya ng bansa.

Ilan sa mga plano ng bagong DTI chief ay ang digitalization sa mga naturang uri ng negosyo, mas malawak na paggamit ng social media platform, at ang paggamit ng artificial intelligence(AI).

Maaari din aniyang matulungan ang mga ito sa pamamagitan ng dagdag na pondo gamit ang DTI – Small Business Corporation.

Maaari din aniyang buksan ang mas malawak na franchising sa mga magagandang negosyo na pasok at kumikita na sa kasalukuyan.