Tumatanggap na ngayon ng Electronic payment para sa pagpoproseso ng mga transaksyon ang embahada ng Pilipinas sa Washington DC.
Ang naturang e-payment transaction ay pinahihintulutan na aa consular section at Consular outreach mission na nasa loob ng hurisdiksyon ng Estados Unidos.
Sa anunsyo ng embahada, maaari nang gumamit ngayon ng Digital payment methods ang publiko para sa kanilang mga transaksyon kabilang na ang paggamit ng credit card, debit card, at online payment nang mayroong 4% charge na convenience fee para naman sa processing costs.
Anila, ang pag-upgrade sa payment processing na ito ng embahada ay resulta ng pakikipag-partnership nito sa ilang private firm na eksperto sa pag develop pa sa cutting-edge solutions.
Samantala, sa kabila nito ay Inihayag naman ng embahada na patuloy pa rin silang tatanggap ng mga cash and money orders para naman sa pag-accomodate sa mga indibidwal na mas gustong isagawa ang kanilang transaksyon sa tradisyonal na pamamaraan