May mga bagong ebidensiya na lumitaw laban sa 2 Pilipinong suspek sa pagpatay sa mag-asawang Hapones sa Tokyo, Japan.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, nakita ang DNA ng 2 Pilipinong sina Bryan Jefferson Lising Dela Cruz, at Hazel Ann Baguisa Morales sa pinangyarihan ng krimen sa bahay ng magasawang Hapones.
Gayundin nakita ang DNA ng Pinay na si Morales sa ginamit na murder weapon na kutsilyo.
Mayroon din aniyang ebidensiya na nakita sa CCTV footage na bumili si Morales ng mga kutsilyo bago nangyari ang insidente.
Dagdag pa ni USec. De Vega na malalaman ang hatol ng piskalya sa Japa kaugnay sa murder case laban 2 Pilipino sa Marso 23 o 24 o bago matapos ang buwan at kung sasampahan ng double murder case.
Ayon din kay De Vega hindi pinapahintulutan ang pagdalaw ng pamilya ng 2 Pinoy alinsunod sa minamandato ng criminal procedures sa Japan subalit sinuri na aniya ng opisyal ng Embahada ng PH sa Japan ang kalagayan ng 2 Pinoy.
Maalala, muling inaresto ang dalawang Pilipino sa Japan dahil sa pagpatay umano sa mag-asawang biktima na sina Norihiro at Kimi Takahashi na nakitang wala ng buhay sa kanilang bahay noong Enero 16, 2024.
Una ng inaresto ang dalawang Pilipino sa kaso naman ng pag-abandona sa mga labi ng mag-asawang Hapones