-- Advertisements --

Ibinunyag ng aspiring beauty queen na si Sandra Lemonon na magkaka-baby na sila ng PBA (Philippine Basketball Association) star boyfriend na si Sol Mercado.

Ito’y kasunod lamang ng anunsyo ng PBA player na engaged na sila ni Lemonon.

Sa panig ng 27-year-old Taguig beauty, lalaki ang kanyang ipinagbubuntis na kanya talagang pangarap.

Maliban sa kissing photos nila ni Sol habang ipinapakita ang kanyang engagement ring, isinapubliko na rin ng mommy to be ang mga larawan kung saan kita ang kanyang baby bump na hinahalikan ng kanyang husband to be.

Una nang bumuhos ang pagbati ng mga kaibigang beauty queens ni Sandra tulad ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Setyembre noong nakataang taon nang kumpirmahin niya ang romantic relationship nila ng basketbolista.

Kabilang sa kanyang mga sinalihan ay ang 2020 Miss Universe Philippines kung saan siya ay naging semi-finalist, 2018 Binibining Pilipinas bilang semi-finalist din, at 2016 Miss World Philippines kung saan siya ay fourth place.

Gayunman, nagretiro na ito sa mundo ng beauty pageant matapos ang mga kontrobersyal na pahayag sa Miss Universe Philippines dahil sa panalo ni Rabiya Mateo kung saan nagpasaring ito tungkol sa cheating o pandaraya.

Kung maaalala naman, dati na ring naging engaged si Sol sa aktres na si Denise Laurel ngunit naghiwalay noong 2016.