Pinasinayaan ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang bagong cutting-edge document examination laboratory sa Mactan-Cebu International Airport.
Ayon sa ahensya, ito ay may mga makabagong Video Spectral Comparator na magpapalakas sa kakayahan ng BI na matukoy ang mga fraudulent documents.
Ito ay nagbibigay ng advanced forensic inspection, kabilang ang pagsusuri ng mga watermark, microprint, at iba pang mga security features na kritikal sa pagtukoy ng mga pekeng dokumento.
Ang pagtatatag ng laboratoryo na ito ay bahagi ng isang mas malawak na inisyatiba, na sinusuportahan ng gobyerno ng Australia na nag-donate ng mga sopistikadong kagamitan at nagbigay ng espesyal na pagsasanay para sa mga tauhan ng BI.
Binigyang-diin ni BI Anti-Fraud Section Chief Marivic Beltrano ang kahalagahan ng bagong pasilidad na ito.
Aniya , ang pagbubukas ng laboratoryo na ito ay isang mahalagang hakbang sa patuloy na pagsisikap ng ahensya na labanan ang mga fraud documents.
Pinapuriraan naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang naturang inisyatiba.
Tiniyak rin ng opisyal nang Bureau of Immigration ay nananatiling nakatuon sa pangangalaga sa mga border ng bansa, pagpapahusay ng travel experience, at pagtiyak na ang panuntunan ng batas.