-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nag-viral ngayon ang post ng bagong college graduate na si Fren Malinao matapos silang magdesisyong mga batchmates na irampa na lamang sa Robinson’s Place-Butuan ang kanilang sarili habang naka-toga.

graduates toga

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang nasabing post kung saan may natutuwa, nagagalak at mayroon pang mga inspiring na komentong parehong bumilib sa kanilang ginawa.

Ang iba ay nagpahayag na nararapat lamang ang kanilang ginawa upang mabigyan ng saya ang kanilang sarili lalo na at ang mahal-mahal pa ng tuition fee pati.

Gayundin ang renta ng toga ay hindi raw sapat kung hanggang online lang makikita.

Tila gumawa ng graduation ceremony ang nasabing mga graduates sa loob ng mall kung saan ang kanilang professor ay nakatayo lang sa itaas na bahagi ng escalator na proud na proud na sumalubong sa kanila.

butuan mall graduates