Tiniyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kanilang tututukan ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay DILG officer-in-charge Secretary Eduardo Año, inaasahan niyang magiging gabay ng mga magsasagawa ng Oplan Tokhang ang mga inilabas na supplemental guidelines ng PNP.
Aniya, ang mga supplemental guidelines ang magiging susi ng tagumpay ng drug war ng pamahalaan.
Kabilang sa mga nakasaad sa bagong polisiya ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang sa loob lamang ng office hours na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes, kung saan ang mga pulis ay kailangang nakasuot ng uniporme at may kasamang opisyal at miyembro ng barangay.
Bukod sa DILG, nakamonitor din ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa Oplan Tokhang ng PNP.
Pinatutukan din ni Año sa PNP ang mga rogue cops na siyang nagbibigay ng negatibong imahe sa organisasyon.
Ongoing din ang hakbang ng PNP para tanggalin sa serbisyo ang mga tiwaling pulis.