-- Advertisements --
COMELEC BSKE 2023

Matagumpay na natapos ng mga bagong halal na Sangguniang Kabataan office sa lungsod ng Pasig ang kanilang mandatory training bilang bagong talagang lider ng Kabataan sa kanilang mga Barangay.

Nagsimula ang unang batch ng training noong November 9 at ang pangalawang batch ay Nobyembre 10 ng kasalukuyang taon.

Ang pagsasanay na ito ay binubuo ng tatlong modyols, at limang sesyon.

Ito ay ang mga sumusunod;

Decentralisation and Local Governance; Sangguniang Kabataan History and Salient Features; Meetings and Resolution; Planning and Budgeting; at Code of Conduct and Ethical Standards.

Layunin nitong ihanda sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na lider ng SK sa kanilang Barangay.

Bukod dito, ito ay kinakailangan upang makaupo Pwesto ang bawat halal na SK.

Nagpaalala naman ang alkalde sa mga bagong lider ng kabataan na gawin ang tama na hinihingi ng  kanilang tungkulin.