-- Advertisements --

Pormal ng kinoronahan bilang hari ng Zulu si King Misuzulu ka Zwelithini.

Dinaluhan ng ilang libong katao ang makasaysayang pag-korona na ginanap sa lungsod ng Durban.

Kinilala na rin siya ni President Cyril Ramaphosa ng South Africa.

Ang seremonya ay unang Zulu coronation mula ng makamtan ng South Africa ang kanilang demokrasya noong 1994.

Pinalitan nito si King Goodwill Zwelithini na pumanaw na noong nakaraang taon.