-- Advertisements --

Mahalaga para sa mga mamamayan sa Ukraine ang darating na mga araw lalo pa’t ang Russian troops ay muling nag-aayos, nag-refurbish at nag-deploy sa silangang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky, na pinagtutuunan ng pansin ng Russia ang libu-libong sundalo para sa susunod na opensiba nito sa silangang Ukraine.

Napag-alaman na si Russian President Vladimir Putin ay may bagong heneral na nangangasiwa sa nangyaring digmaan sa Ukraine.

Si Army General Alexander Dvornikov, ang kumander ng Southern Military District ng Russia, ay pinangalanan bilang theater commander ng Russia’s military campaign sa Ukraine.

Ang 60-anyos na heneral ang tinaguriang “butcher of Syria”. Siya ang pinakaunang commander ng Russia’s military operations sa Syria mula September 2015 hanggang June 2016.