-- Advertisements --

Humihirit umano ang gobyerno ng Pilipinas ng panibagong utang na umaabot sa $600 million loan mula sa World Bank (WB).
Layon nito na suportahan ang mga reporma at pagsusulong pa sa financial sector.
Kaugnay nito, inaasahan namang aaprubahana ng World Bank board ang naturang ikalawang financial development policy financing sa darating na Dec. 20 meeting.
Lumalabas pa sa dokumento ng World Bank na ang bagong hiling na pag-uutang ng Pilipinas ay mapalakas pa ang financial sector, mapalakas ang financial inclusion sa mga individuals at mga negosyo, pangsuporta daw sa climate, disaster risk at sustainable finance.

Bago ito noong taong 2021, inaprubahan din ng World Bank ang $400-million loan upang tulungan ang Philippine financial sector recovery mula sa COVID-19 pandemic.