Magbubukas ng isang bagong direktang linya ng komunikasyon o hotline sa pagitan ng mga tanggapan ng pangulo ng China at Pilipinas ang kamakailang nilagdaang kasunduan.
Sa pamamagitan ng direktang hotline, maaaring matawagan ng nabanggit na concerned officials ang kanilang counterpart sakaling magkaroon ng panibagong insidente sa displluted waters saklaw ang WPS upang maiwasan ang anumang bagong komprontasyon.
Base sa kopya ng kasunduan, naglatag ito ng ilang mga communication channel sa pagitan ng Pilipinas at China, partikular para matugunan ang mga maritime issue sa pamamagitan ng mga kinatawan na itatalaga ng pangulo ng 2 bansa.
Kung saan maaari ding gamitin ng Department of Foreign Affairs at Ministry of Foreign Affairs ng China ang naturang hotline kasama na dito ang foreign minister at vice foreign minister na antas o sa pamamagitan ng kanilang mga itinalagang kinatawan.
Ayon pa sa kasunduan, plano ding lumikha ng bagong communication channel sa pagitan ng mga coast guard ng China at Pilipinas kapag natapos na ang kaukulang memorandum of understanding sa pagitan ng 2 bansa.
Kasalukuyan namang tinatrabaho ng mga opisyal ng China at PH ang pagbalangkas sa guidelines para ipatupad ang maritime communications mechanism.
Ang bagong kasunduan na tinawag na “Arrangement on Improving Philippines-China Maritime Communication Mechanisms” ay nilagdaan sa nakalipas na bilateral consultation meeting sa Manila noong July 2 sa gitna ng umiigting na tensiyon sa disputed waters.