-- Advertisements --

Natuklasan sa Pilipinas ang bago umanong human species.

Homo Luzonensis/ photo by Florent Detroit

Tinawag ito na Homo Luzonensis na ipinangalan sa Pilipinas matapos na ito ay madiskubre sa isla ng Luzon.

Sinabi ni Prof. Chris Stringer ng Natural History Museum sa London, posibleng nagkalat sa bahagi ng Luzon ang natuklasang Homo Floresiensis mula noong ito ay unang inilabas, taong 2004.

Ang bagong specimen na nadiskubre sa Callao Cave sa Peñablanca, Cagayan province ay maaaring nabuhay noong 67,000 taon na ang nakakalipas.

Binubuo ang natuklasang specimen ng ngipin, kamay at buto sa paa na maaaring galing sa tatlong may edad na at isang bata.

Ang Homo Luzonensis ay may pagkakahawig sa kasalukuyang tao at naiiba lamang ang kanilang paglalakad na inihahalitulad sa mga taong nanirahan sa Africa mula dalawa hanggang apat na milyong taon na ang nakakalipas.