-- Advertisements --

Tanggap ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang bagong inihalal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na Presidente ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na si Dr. Edwin M. Mercado. 

Pinalitan ni Mercado si dating Philhealth President Emmanuel Ledesma. 

Ayon kay Escudero, noon pa sana pinalitan ang dating pangulo dahil sa mahabang panahon ay hindi nito ginawa at tinugunan ang pangunahing pangangailangan sa kalusugan ng ating mga kababayan. 

Ito rin aniya ang rason kung bakit binigyan ng Kongreso na zero subsidy ang state health insurer ngayong taon. 

Dahil bago na ang pangulo ng Philhealth, umaasa ang pangulo ng Senado na maisaayos na nila ang problema sa loob ng ahensya lalo na pagdating sa benepisyo ng ating mga kababayan. 

Inaasan din nito na tututukan ng Philhealth ang benepisyo ng mga miyembro nito at masigurong tiyak sa pangangailangan nila at hindi lamang ipagkaloob ang nais nila.