-- Advertisements --

COTABATO CITY – Inilunsad ng Integrated Provincial Health Office o IPHO Maguindanao ang Family Planning, Maternal and Child Health, Adolescent Sexuality and Reproductive Health Hospital Service Integration o FP-MCH-ASRH sa lalawigan ng Maguindanao upang mas maging accessible ang mga nasabing programa sa mga mamayan ng probinsya.

Sa naging panayam ng Star FM Cotabato kay Dr. Mohammad Shan Abdulwahid, Chief of Party, USAID-BARMMWEATH, sinabi nito na ang FP-MCH-ASRH ay isang “Integrated Package of Service” sa loob ng mga hospital sa lalawigan upang makapagbigay ng mas mahusay na serbisyo sa mga kliyente o mga pasyente.

“Actually, kung titingnan natin ang history ng Maguindanao they started early on, however paunti-unting gusto nilang ma-established na institutionalized po yung process ng integration sa loob ng hospital. Pagdating palang ng kliyente, alam na agad nila kung papaano sila mapunta sa services ng FP-MCH-ASRH. Integrated na po ang package of services.” Ani Dr. Mohammad Shan Abdulwahid.

Ang mga nasabing programa ng IPHO-Maguindanao ay kauna-unahan sa bansa na kung saan ay magiging template o magiging basehan ng ibang IPHO sa Pilipinas sa implementasyon nito.

Nanawagan naman ang ahensya sa mamayan ng Maguindanao sa pangunguna ni Provincial Health Officer II, Dr. Elizabeth A. Samama, na tangkilikin ang programa ng IPHO-Maguindanao upang mabigyan ang bawat isa ng nararapat na serbisyo medikal.