-- Advertisements --
![sugarcane law](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2022/08/sugarcane-law.jpg)
Ipinakilala ng mga mananaliksik mula sa Central Luzon State University (CLSU) ang isang bagong sistema ng irigasyon sa pagsasaka na makikinabang sa industriya ng tubo.
Inihayag ni Department of Science and Technology (DOST) Asec. Maridon Sahagun na ang bagong teknolohiya ay makatutulong sa mga sugar farmers na makapagtipid sa tubig at makapag-produce nang maraming sugarcane kumpara sa conventional furrow irrigation system.
Ang bagong sistema ay tinawag na “Automated Furrow Irrigation System (AFIS).
Dagdag pa ni Sahagun na maaaring magkaroon ng water savings hanggang 2,020 cubic meter per hectare ang nasabing sistema kung kaya ay malaking tulong ito sa mga magsasaka.