-- Advertisements --
isol

Binuksan na ang bagong isolation facility sa loob ng National Capital Region Police Office (NCRPO) headquarters sa Taguig City na gawa sa limang container vans na may 10 bed capacity, may sariling comfort rooms, oxygen at air conditioned unit.

Mismong si PNP chief Gen. Debold Sinas ang nanguna sa blessing ng nasabing isolation facility kasama ang mga matataas na opisyal ng PNP Command Group na sina Lt. Gen. Guillermo Eleazar at Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag.

NCRPO 2

Ayon kay NCRPO chief B/Gen. Vicente Danao Jr., ang nasabing isolation facility ay dinisenyo para i-isolate ang mga policewomen na buntis na nagpositibo sa COVID-19 virus at nakakaranas ng mild symptoms gaya ng hirap sa paghinga.

Sinabi ni Danao, layon din nito na agad mabigyan ng paunang medical attention ang mga pulis na infected ng virus at nasa emergency situation habang naghihintay na magkaroon ng bakante sa mga hospital na maaring pagdalhan sa kanila.

Sa mensahe naman ni PNP chief Sinas, kaniyang binigyang-diin na ang NCRPO ay active implementer ng mga best practices lalo na sa pagbibigay tulong sa mga police personnel nito at maging sa kanilang mga pamilya.

“We are optimistic that this strategy will reduce Covid-19 cases among our personnel with the increase in our healthcare capacity. This interventions are still the best way when dealing with Covid-19,” pahayag ni Gen. Sinas.

NCRPO3

Mahigpit din ang bilin ni Sinas sa mga kapulisan na istrikto pa ring ipatutupad ang minimum public health standards para maiwasan ang viral transmissions ng nakamamatay na virus.

Sinabi ni Sinas panatilihin ang pagsuot ng mask, pagsuot ng face shield, maghugas ng kamay at tiyakin ang physical distancing.

NCRPO2 2

“Therefore our personnel need to strictly adhere to the minimum public health standards upang maprotektahan hindi lang ang ating mga sarili, kundi pati ang mga mahal natin sa buya o miyembro ng ating pamilya,” wika pa ni Gen. Sinas.

Samantala, pinapayagan na rin ng PNP na ang mga buntis na babaeng pulis ay maaari ng mag-work from home para sila ay maiwasan na mahawaan ng COVID-19 virus.

Sinabi ni Sinas na nuong siya pa ang pinuno ng NCRPO, may dalawang insidente na nagkaroon ng miscarriage ang dalawang buntis na babaeng pulis matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa PNP chief, ayaw na nilang magkaroon ng insidenteng ganito kaya pinapayagan na ang mga buntis na pulis na mag-work from home.

“So my directive now is that pregnant policewomen are automatically allowed to work from home. We cannot bear incidents wherein our pregnant personnel [will have] difficulty breathing,” dagdag pa ni Gen.Sinas.