-- Advertisements --

Napansin umano ngayon ng mga top seceutiy officials ng Amerika at NATO officials na nagbago na ang diskarte ng ng Russian forces habang patuloy na lumalapit at pinaliligiran ang mga syudad ng Ukraine.

Sinasabing kabilang daw sa istratiehiya ngayon ni Russian Presidente Vladimir Putin ay tuluyang pulbusin na ang mga syudad ng Ukraine.

Ayon sa ilang senior western intelligence officials, hindi lamang mabigat ang mga armas pandigma na hawak ng Russia kundi taglay din ng mga ito ang pinakamatinding damage sa mga tatamaan.

Dahil dito kabado ang mga opisyal ng Amerika na dahil sa hindi raw nakikinig si Putin at hindi gumagalang sa karapatang pantao, mas maraming mga sibilyan ang madadamay at lalo pang lolobo ang mga casualties.

Una rito, nabigo ang Russia na sa akala nila na madaling makubkubo at maitumba ang kabisera na Kyiv kung saan nandoon ang gobyerno.

Habang nasa Brussels, Belgium si US Secretary of State Antony Blinken sa pulong ng mga European allies, iniulat din nito ang nakakarimarim na sitwasyon sa mga casualties na iniiwan ngayon ng giyera.

Aniya, hindi lamang daan-daan kundi libu-libong silbiyan na ang nadamay habang marami ang na-trap, ang nakakaawa ring sitwasyon ay ang pagbuhos ng mga lumilikas na mamamayan ng Ukraine patungo sa mga kalapit na mga bansa.

“The Kremlin’s attacks are inflicting an ever-increasing toll on civilians there. Hundreds if not thousands of Ukrainians have been killed, many more wounded, as have citizens of other countries. More than a million refugees have fled Ukraine to neighboring countries. Millions of people across Ukraine are trapped in increasingly dire conditions as Russia destroys more critical infrastructure,” ani Blinken.

Nato blinken 1

Samantala, may lumutang din na impormasyon na magde-deploy ang Russia ng aabot hanggang 1,000 mercenaries sa Ukraine sa mga susunod na araw o linggo.

Sa kabilang dako, napipinto na rin umano ang pagsakop ng Russian forces sa second-largest nuclear facility sa Ukraine.

Iniulat ni US Ambassador to the United Nations Linda Thomas-Greenfield na nasa 20 milya na lamang ang layo ng Russian troops sa pasilidad na tinaguriang Yuzhnoukrainsk Nuclear Power Station na nasa Mykolaiv Oblast, sa southern Ukraine.

Muling nanawagan ang ambassador kay President Putin na dapat pigilan na ang humanitarian catastrophe sa pamamagitan ng pagtigil sa giyera.

Una rito, naglabas ang Ukrainian authorities ng video sa loob ng control room sa Zaporizhzhia nuclear power station na naunang inatake ng Russian troops dahil nagpagkamalan daw.

Makikita sa sa video ang loob ng control room at sumisigaw ang announcement sa public address system na tigilan ng Russian forces ang pamamaril at pag-atake dahil napakadelikado ng kanilang ginagawa at baka maging mitsa ito ng matinding kalamidad para sa buong mundo.