Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology ang buong suporta para sa bagong talagang kalihim ng kanilang ahensya na si Henry Rhoel R. Aguda.
Ayon sa ahensya, malugod nilang tinatanggap si Aguda na malaki umano ang magiging ambag sa mga programa at proyekto nito.
Malaki rin aniya ang papel ni Sec. Aguda bilang Digital Infrastructure Sector Lead ng Private Sector Advisory Council o PSAC.
Maganda rin ang magiging papel nito sa pagpapalakad sa mga kasalukuyang programa ng ahensya at pagbibigay ng makabuluhang innovative initiatived kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ipinagmalaki rin ng ahensya ang track record ng bagong kalihim .
Si Aguda ay naging bahagi ng banking industry at sinasabing eksperto sa teknolohiya at sa usapin ng digital transformation na makatutulong sa mga mamamayang Pilipino.