Nakatakdang bumisita sa Bohol ngayong araw ang bagong itinalagang Philippine National Police (PNP) director na si Gen. Rodolfo Azurin Jr.
Ayon kay Lieutenant Col. Joseph Berondo, hepe ng Community Affairs and Development Office ng Bohol Provincial Police Office, na magsasagawa ng side trip si Azurin sa Bohol bago magtungo sa Cebu para sa turnover of command sa Police Regional Office (PRO) 7.
Sinabi ni Berondo na pangungunahan ni Azurin ang groundbreaking ceremony ng bagong himpilan ng pulisya sa bayan ng Carmen.
Inaasahan na ang bagong Carmen Police Station ay mamumukod-tangi sa iba pang karaniwang mga istasyon ng munisipyo dahil sa kakaibang disenyo nito.
Pagkatapos nito, lilipad si Azurin sa Cebu kung saan siya ang magiging guest of honor sa nabanggit na turn-over command.