Inanunsiyo na ang magiging titulo at kung kailan ipapalabas ang bagong James Bond movie.
May titulo ito ngayon na “No Time To Die” at ito ay nakatakdang ipalabas sa Abril 3, 2020.
Pagbibidahan pa rin ito ni Daniel Craig na sinimulan ang shooting ng pelikula.
Ito na ang pang-25th cinematic installment ng sikat na British spy saga at pang-limang beses na rin na pagganap ni Craig bilang si Bond.
Nagkaroon lamang ng bahagyang problema ang paggawa ng pelikula matapos na magkaroon ng aksidente sa set na nagbunsod sa pagtamo ng ilang sugat ni Craig.
Sumailalim si Craig sa minor ankle surgery dahil sa insidente.
Naantala rin ang pelikula dahil sa ilang pagbabago sa script.
Makakasama sa pelikula si Oscar winner Rami Malek na gaganap bilang kontrabida at ang pagbabalik ni Ralph Fiennes bilang boss ni James Bond at ang French actress na si Lea Seydoux.