-- Advertisements --

Muli na naman naantala ang paglabas ng bagong James Bond movie.

Nagpasya ang producer ng “No Time To Die” na ipalabas na lamang ito sa Abril 2, 2021.

Nauna ng iniurong mula sa dating Abril ay inilipat sa Nobyembre ang pelikula dahil sa coronavirus pandemic.

Pinagbibidahan ni Daniel Craig na siyang huling pagganap nito bilang James Bond.

Taong 2015 ng ipalabas ang huling James Bond movie na “Spectre” na kumita ng halos $900-million.