-- Advertisements --

Tuloy na sa Setyembre ang world premiere ang pagpapalabas ng bagong James Bond movie na “No Time To Die”.

Gaganapin ang red carpet premiere nito sa London sa Setyembre 28 dalawang araw bago ang pagpalabas nito sa Setyembre 30 sa mga sinehan sa United Kingdom.

Ipapalabas naman sa Oktubre 8 ang nasabing pelikula sa iba’t-ibang sinehan sa US.

Tatlong beses ng ipinagpaliban ang pagpalabas ng nasabing pelikula na ang orihinal na petsa na ito ay ipapalabas sa mga sinehan ay sa April 2020.

Sinasabing ito na ang huling pagganap ng bidang si Daniel Craig bilang sikat na British secret agent.