-- Advertisements --
image 159

Ilulunsad na ng Department of Education ang bagong Kinder to Grade 10 (K-10) curriculum sa mga susunod na linggo.

Sinabi ni DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa na ang implementasyon ng decongested K-10 curriculum ay sisimulan sa school year 2024-2025.

Ipinaliwanag ng opisyal na base sa pagaaral sa K-10, nakita na masyadong congested ang kasalukuyang curriculum na nangngahulugan na napakaraming kailangang matutunan ng mga mag-aaral gayundin maraming dapat ituro ng mga guro sa loob ng isang school year dahilan kayat napakahirap aniya na makabisado ang naturang mga asignatura.

Kayat para mapag-ibayo ang kalidad ng basic education sa ating bansa, sinabi ni USec. Poa na sa bagong curriculum bibigyang pokus na lamang ang mga asignatura gaya ng math, science, english, reading at values formation.

Pagdating naman sa K-12, ayon sa DepEd official, nagpapatuloy pa rin ang pag-review dito.

Una na ngang bumuo ang ahensiya ng isang national task force noong buwan ng Mayo para pag-aralan ang implementasyon ng senior high school program dahil sa hindi pagiging epektibo nito kung saan hirap pa rin ang mga nagtapos sa SHS na makapaghanap ng trabaho.

Una na ring inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagrepaso sa K-12 curriculum para sa layuning makapag-produce ng mas competitive, job-ready, active at responsible graduates