-- Advertisements --

Pinatikim ng Coldplay at Korean group na BTS ang kanilang bagong collaboration na kanta.

Sa kani-kanilang mga social media account ay nagpost ang mga ito ng 16-segundo ng video ng kanta nilang “My Universe”.

https://twitter.com/coldplay/status/1440405144386953218?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1440405144386953218%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.gmanetwork.com%2Fnews%2Flifestyle%2Fhobbiesandactivities%2F804383%2Fcoldplay-releases-new-teaser-for-bts-collaboration-song-my-universe%2Fstory%2F

Noong nakaraang mga buwan ay nagtungo sa South Korea ang singer ng Coldplay na si Chris Martin para sa planong paggawa ng kanta.

Nagkasama ang BTS at Coldplay sa New York at ilalabas ang kanilang kantang “My Universe” sa Setyembre 24 habang ang kanilang album na “Music of the Spheres” ay ilalabas sa darating na Oktubre 15.