-- Advertisements --

Umani agad ng ilang milyong views sa loob lamang ng ilang oras ang bagong music video ng Korean group na BTS.

Nitong Biyernes ng ilabas ng grupo ang ikatlong English song nila na “Permission to Dance”.

Sa kasagsagan lamang ng premiere nito ay mayroong mahigit 2.1 milyon live viewers ito.

Ayon sa Big Hit Music, sumasalamin ang kanta sa nalalapit ng pagtatapos ng pandemya.

Ang nasabing kanta ay kasunod ng kanta nilang “Butter” na nanatili sa Billboard Hot 100 chart sa loob ng anim magkakasunod na linggo at ang Grammy-nominated na “Dynamite”