-- Advertisements --

Pumalo na sa 1 milyong views sa video streaming site na YouTube ang bagong kanta ng Pinoy supergroup na SB19 na “Bazinga”.

Sa social media ng grupo, ibinahagi nila ang magandang balita.

Nakamit ng grupo ang nasabing 1 milyon views halos apat na araw mula ng ilabas ang kanilang bagong kantang “Bazinga”.

Inilabas nila ang nasabing kanta kasabay ng anunsiyo na nominado sila sa 2021 MTV Europe Musi Awards na gaganapin sa Nobyembre 15.

Nominado kasi ang grupo bilang Best Southeast Asia Act kabilang ang Ink Warunton ng Thailand, JJ Lin ng Singapore, K-ICM ng Vietnam, Lyodra ng Indonesia at Naim Daniel ng Malaysia.