-- Advertisements --
Nagtala ng panibagong record ang Pinoy group na SB19.
Sa kanilang social media account ay inanunsiyo nila ang kanilang bagong kantang “Dam” ay umabot na sa mahigit 10-milyon views sa YouTube.
Dahil dito ang nasabing kanta ay itinuturing na pinakamabilis na music video na nakaabot ng nasabing ganun kataas na views.
Pinasalamatan ng grupo ang mga fans na walang sawang tumatangkilik sa kanilang mga kanta.
Ang nasabing kanta kasi ay bahagi ng kanilang nakatakdang ilabas na extended play na ‘Simula at Wakas” na ilalabas sa darating na Abril 25.