CENTRAL MINDANAO – “Napa-sana all” na lang ang lahat ng mga dumalo sa isang kasalan na naganap sa Midsayap, Cotabato.
Hindi kasi lubos akalain ng bagong kasal na sina Jhay Dasmariñas at Rose Mafel Tabara na makakatanggap ng “bonggang-bonggang” regalo.
House and lot at kotse kasi ang iniregalo ng mga magulang ni Tabara para sa bagong kasal.
Naiyak na lang sa sobrang tuwa ang mag-asawa dahil sa kanilang natanggap.
Anila, malaki itong tulong para sa pagsisimula ng pagbuo ng kanilang sariling pamilya.
Ayon sa coordinator ng kasal na si Benjie Fajunio, ang ganitong klaseng mga regalo mula sa mga magulang ng bagong kasal ay minsanan lamang nangyayari kaya’t marami ang namangha at napa-wow hindi lamang sa mga bisita kundi pati na rin sa tulad nilang laging present sa mga kasalan.