-- Advertisements --
george floyd 4

Sinampahan na ng kaso ang apat na pulis sa Minneapolis na sangkot sa kontrobersiyal na pagpatay sa black American na si George Floyd.

Sinabi ni Minnestoa Attorney General Keith Ellison, ang kasong second-degree murder ang inihain laban kay Derek Chauvin na siyang dumagan gamit ang tuhod sa leeg ni Floyd.

Habang ang kasong “aiding and abetting, second degree murder at abetting second-degree manslaugther” ay laban naman sa tatlong kasamahang pulis na sina Thomas Lane, J Alexander Kueng at Tou Thao.

Nauna rito, sinampahan ng third-degree murder at second-degree manslaughter si Chauvin na ikinagalit ng kaanak ni Floyd na nagresulta sa malawakang kilos protesta sa iba’t ibang estado.

Paliwanag ni Ellison, kanilang pinag-aralang muli ang kaso kaya lumabas ang nasabing bagong kaso na isinampa sa mga sinibak na kapulisan na sangkot sa kaso.