CENTRAL MINDANAO-Tumaas ng 345 ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (Covid-19) mula sa dating 223 sa rehiyon 12.
Batay ito sa huling datus ng Department of Health (DOH-12) kung saan pumalo na sa 13,964 ang total coronavirus infections sa rehiyon.
Nanguna pa rin ang South Cotabato sa may pinakamaraming bilang ng mga bagong kaso na umabot sa 143, sumusunod ang General Santos City na mayroong 93 new infections, pangatlo ang Sultan Kudarat 63 cases, North Cotabato 34 at Sarangani na may 12 bagong kaso.
Gumaling naman ang 179 pang mga pasyente.
Pitumpu’t siyam sa mga gumaling ay mula sa General Santos City, apatnapu’t dalawa sa South Cotabato, tatlumpu’t pito sa Sultan Kudarat, labing-dalawa sa Sarangani at siyam sa North Cotabato.
Dahil dito, umakyat pa sa 10,541 ang total recoveries.
Pumalo naman sa 416 ang COVID-19 related deaths matapos na mamatay ang walo pang mga pasyente.
Dalawa sa mga ito ay mula General Santos City, tig-iisa naman ang namatay sa Koronadal, Tacurong at Surallah sa Sultan Kudarat.
Binawian din ng buhay ang isang taga Aleosan.
Tumaas pa ng hanggang 3,005 ang aktibong kaso.