KALIBO, Aklan – Nakapagtala ng isang bagong kaso ng Delta variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng Aklan, ayon sa Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD).
Ang pasyente ay isang returning overseas Filipino (ROF) na kasalukuyang naka-isolate sa kanilang bahay.
Sa kabuuan, umabot na sa 22 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Delta variant sa Aklan.
Ayon kay DOH Medical Officer III Dr. Bea Camille Fillaro-Natalaray, nagsasagawa na ng backward contact tracing ang kaukulang local government unit upang mahanap ang mga nakasalamuha ng ROF na tinamaan ng Delta variant.
Nananatiling nasa “moderate risk” ang Aklan matapos bumaba ang mga bagong kaso.
Patuloy namang nananawagan ang lokal na pamahalaan sa mga residente na sumunod sa health protocols lalo pa at nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) pa ang Aklan.