Umakyat na sa 774 ang bagong kaso ng Leptospirosis simula noong Setyembre 8 hanggang 21 ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH ang bagong kaso ng Leptospirosis ay bumilis ng dalawang beses simula 381 noong Agosto 25 hanggang Setyembre 7.
Naitala naman ng ahensya ang kabuuang 509 na kaso ng mga nasawi sa naturang sakit mas mababa ng 11 percent kesa noong nakaraang taon na 570 ang mga naitalang nasawi.
Batay pa sa pagtaya ng ahensya lumobo na sa 5,835 ang kabuuang kaso ng leptospirosis simula noong Oktubre 5 taong kasalukuyan, mas mataas ng 16 percent kesa sa 5,050 nang kabuuang bilang sa kaparehong panahon noong 2023.
Sa datos ng DOH ang mga lugar sa Central Visayas, Northern Mindanao, South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at General Santos ay hindi nakapag tala ng pagtaas ng leptospirosis simula nang lumipas ang nakaraang apat na linggo.
Nagpaalala naman si DOH Secretary Teodoro Herbosa sa publiko tungkol sa panganib ng Leptospirosis dulot ng ng mga pagbaha. Ani Herbosa, kapag umuulan at bumaha ay iwasan lumusong sa mga pagbaha.
Mainam rin aniya na magsuot na lang ng mga ‘protective footwear’ kung lulusong o lalabas sa tahanan at panatilihin rin aniyang maghuhugas kapag na expose sa pagbaha para nang sa gayon ay maiwasan ang pagkakaroon ng Leptospirosis.
Nakukuha naman ang naturang sakit kapag ang tao ay may contact sa tubig o pag baha, pagkain, at mantsa na kontaminado ng ihi ng hayop. Ilan naman sa mga sintomas ng Leptospirosis ay ang lagnat, panlalamig, pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, pagsusuka, at diarrhea.