-- Advertisements --

Ipinakita na ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) nag bagong korona at ang mga malalaking premyo na mapapanalunan ng mga kalahok ng Binibining Pilipinas 2024 na gaganapin sa Hulyo.

Ang bagong korona ay gawa ng alahero na si Manny Halasankung saan ito ay mayroong ethical diamonds na ginawa base sa iconic na logo ng Bb. Pilipinas.

Ang magwawagi ng titulo na bagong Bb. Pilipinas International at Bb. Pilipinas Globe titleholder ay may P1 milyon premyo kada isa.

Habang ang dalawang runner-ups ay makakatanggap ng tig-P400,000.

Gaganapin sa Hulyo 7 ang grand coronation ng Bb. Pilipinas 2024 sa Smart Araneta Coliseum kung saan ipapasa nina Bb. Pilipinas International Angelica Lopez at Bb. Pilipinas Globe Anna Lakrini ang kanilang korona.

Ilan sa mga naimbitahang magtanghal ay sina Gary Valenciano, P-pop group na SB-19 at Martin Nievera.

Magiging host naman ang mga beauty queens na sina Nicole Cordovez, MJ Lastimosa at Kylie Versoza.

Nitong Biyernes ay nagpasiklaban ang 40 mga kandidata ng sa kanilang swimsuit sa ginanap na press presentation sa lungsod ng Quezon.