-- Advertisements --

Pinasilip ng Miss Universe Philippines ang bagong korona na susuotin ng magwawagi sa kumpetisyon ngayong taon.

Sa social media account ng Miss Universe Philippine organizations ay pinakita ang “La Mer en Majesté Crown” na mayroong golden South Sea pearls.

Sumisimbolo aniya ang nasabing korona sa yaman ng karagatan ng bansa at ang bagong tiara ay nagrerepresentat ng relasyon ng Filipinos sa kalikasan.

Kasama ng organisasyon ang Jewelmer na gumawa ng nasabing bagong korona.

Ang mananalo ay papalitan ni Beatrice Gomez ng Cebu na nagtapos sa pang-limang puwesto sa katatapos na 70th Miss Miss Universe na ginanap sa Israel noong nakaraang taon.

Gaganapin ang coronation night sa darating Abril 30 kung saan napiling host dito sina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, 2016 Miss Universe Iris Mittenaere ng France at 2017 Miss Universe Demi-Leigh Tebow.