-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Muling naglunsad ng mass vaccination ang gobyerno ng Singapore matapos ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa bansa.

Mula sa 13,700 na COVID 19 cases na naitala noong Abril, umaabot na ito ngayon sa 25,900.

Ayon kay Fe Toledo ang Bombo International News Correspondent sa Singapore, ang bagong COVID 19 variants na KP.2 at KP.1 ang nagdudulot ng mabilis na pagkalat ng nakakahawang sakit.

Upang malabanan ito, nagbibigay na ang gobyerno ng libreng booster shots para sa mga residente upang matulongan na mapalakas ang immune system.

Mahigpit rin ang panawagan ng gobyerno sa publiko na magsuot ng face mask at magsocial distancing habang pinapayohan ang mga may sintomas ng COVID 19 na sumailalim sa isolation upang maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.