GENERAL SANTOS CITY – Gilit sa leeg at saksak sa katawan ang natamo ng mag live-in partner ng makita nitong umaga ng Disyembre 6.
Kinilala ni Police Major Rezza Hernaiz, hepe ng Fatima Police station ang mga biktima na sina Kion Bagong 33 at Jennifer Diamen 30 paang mga residente ng Purok Maligaya Barangay San Jose nitong lungsod.
Dagdag ni Hernaiz na si Bagong ang kalalaya lamang sa Gensan City Jail matapos na dismiss ang kaso nitong murder habang si Jennefer ang hiwalay sa asawa nito at may isang anak at limang buwan na buntis.
Kahapon umano may dumating na dalawang lalaki sa lugar at hinahanap si Bagong habang bitbit umano ang warrant of arrest subalit hindi sumama ang biktima.
Iilang oras umano umalis sina Bagong at Jennefer subalit naabutan umano ng dalawang lalaki at duon kinuyog umano ang biktima.
Hindi na nakita mula kagabi ang mga biktima ng kaninang umaga nabulabog na lamang ang mga residente ng makita ang dalawa na nakabulagta na ang wala ng buhay.
Pinagdudahang na salvage ang mga biktima at itinapon sa gilid ng daan.