-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY –Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa panibagong shooting incident sa SASI Road, Zone 6, block 1, Brgy. Fatima, Gensan kung saan ang biktima ay isang bayong laya.

Binaril ito ng riding in tandem criminals habang nasa kanyang pinagtatrabahoan na Lechon House sa SASI Road, Zone 6, Block 1, Brgy. Fatima, Gensan.

Nakilala ang biktima na si Arnel Payas Aguilar, 36 yrs. old, may asawa, isang litshonero na residente ng Purok 18, Block 40, Brgy Fatima.

Sa inisyal na report ng Fatima Police Station, habang nag-iihaw ng manok ang biktima, isang di kilalang suspek na sakay ng single motor ang huminto sa harap ng lechon house at binaril ang biktima ng maraming beses at kaagad na matakas ang mga responsable.

Isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Ayon sa ina ng biktima na si Magdalena Bombales,sinabi nito na hindi nito tanggap ang nangyari sa anak.

Aminado ito, na noon ay nalulong sa mariwana ang anak kayat nakulong.

Nabatid na bagong laya ang biktima mula sa Lanton City Jail dahil sa paggamit nito ng ipinagbabawal na gamot.

Kaagad namang nahuli ang mga suspek na kilala na sina Rene A. Sanchez, 40 yrs.old at Sidny G. Alaba, 42 yrs. old matapos ang isinagawa na manhunt operation ng mga otoridad.