Kinokonsidera ngayon ng Pilipinas na magkaroon ng panibagong “legal action” laban sa China.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang mass harvesting ng mga Chinese fishermen sa mga giant clams sa Panatag Shoal sa West Philippine Sea ang kanilang pagbabasehan para rito.
Reaksyon ito ng kalihim kasunod ng TV news report na nagpapakita nang pagkukuha ng mga Chinese vessels ng giant clams sa teritoryo ng Pilipinas.
Sinabi ni Locsin na mayroong kaparehas na report ang national task force sa West Philippine Sea patungkol sa naturang issue at naberipika na rin daw ito ng DFA sa ngayon.
Para sa opisyal, ang ginagawa ng mga Chinese na mangingisda ay paglabag sa mga kasunduan sa environmental protection.
Samantala, hindi naman na idinitalye pa ni Locsin ang legal action na gagawin ng DFA pero iginiit na pinag-aaralan na ito sa ngayon ng kagawaran.